Filtered by: Showbiz
Showbiz

Ryzza Mae, AlDub, EB Dabarkads meet cute 3-year-old fan


Agaw-eksena sa noontime show na “The Ryzza Mae Show” ang cute na 3-year-old fan na si Baste, na napansin ni Aling Maliit Ryzza Mae Dizon mula sa audience.
 
Hindi rin nakaligtas sa charm ng bata mula sa General Santos City ang "Eat Bulaga" Dabarkads at nagpa-picture pa sa kanilang cute na tagahanga.
 
Kabilang sa mga nagpakuha ng litrato kasama si Baste sina Alden Richards at Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub, ang hottest loveteam on television ngayon.
 
Lumabas din si Baste sa latest episode ng kalye-serye, at ipinakilalang pamangkin ni Alden.
 
 
—Bianca Rose Dabu/JST, GMA News
Tags: aldub, eatbulaga