GALLERY: Meet 'Starstruck' Season 6 Top 35
Ipinakilala na ng reality artista search ng GMA Network na “Starstruck” ang Top 35 na magtatagisan ng talento upang makuha ang titulong Ultimate Survivor, at maging isa sa mga bagong iidolohing artista sa Kapuso Network.
Matapos ang paghihintay ng limang taon, magbabalik na sa telebisyon ang sikat na reality artista search ngayong Setyembre. Bukod sa mga hopeful, inaabangan rin ang hosts nito na sina Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at “Marimar” star Megan Young.
Ilan lamang sa mga nakapasok ang isang look-alike ng British boyband singer na si Harry Styles, ate ng isang young star, hiphop cutie, anak ng dating matinee idol, at marami pang iba.
Maging ang mga “Starstruck” alumni ay inaabangan din ang panibagong season ng naturang reality show, kabilang na sina Jennylyn Mercado at Mark Herras, na itinanghal na ultimate male and female survivors sa kauna-unahang season ng “Starstruck” noong 2003.
"I'm sure may mga bagong pakulo, may mga bagong ihahain ang GMA. Excited din akong makita yung mga bagong nilang contestants," ayon kay Jennylyn sa mga naunang pahayag.
Ang tip ng aktres at 2015 FHM Sexiest Woman in the Philippines sa mga sasali sa "StarStruck," "Lakas ng loob at saka gusto talaga nila yung ginagawa nila, hindi yung napipilitan lang sila na kumanta, sumayaw, umarte. Kailangan talaga mahal nila yung craft nila."
PHOTOS FROM Twitter: StarStruckGMA
-- Bianca Rose Dabu/Jessica Bartolome/FRJ, GMA News