ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

'The Half Sisters' cast show their love for Thea Tolentino on her birthday


Hindi pinalampas ng cast ng GMA Afternoon Prime series na “The Half Sisters” ang pagkakataong batiin ang kanilang co-star na si Thea Tolentino ngayong ipinagdiriwang nito ang kaniyang 19th birthday, lalo na at naging malapit na sila sa puso ng isa't isa matapos ang higit sa isang taong pag-ere ng kanilang programa.
 
Una na sa mga nagpahatid ng birthday message kay Thea ang kaniyang 'half sister' sa telebisyon at 'Bessy' sa totoong buhay na si Barbie Forteza.
 
Ipinasilip ni Barbie ang close relationship nila ni Thea offcam, pati na ang kanilang bonding moments gaya ng panonood ng sine at pagkain.
 
Ayon sa Kapuso teen actress sa isang Instagram post nitong Huwebes, “Sa aking 'How To Get Away With Murder' Buddy, Anime Consultant (bilang wala kong alam sa anime), at higit sa lahat, ang kasing takaw kong kumain pero hindi halata sa katawan niya, saken lang. Unfair! Happy 19th Birthday, Bessy! @theatolentino13 Love you!!!”
 
 
Nakakatuwa naman ang naging post ng aktor na si Ryan Eigenmann, na kinunan ng litrato ni Thea kasama si Vaness del Moral habang natutulog.
 
Ni-repost ito ng aktor at sinabing, “At dahil bday mo ngayon, di muna kita babawian... next week, tapos na hahahaha. haberdey yo @theatolentino13.”
 
 
Sinorpresa rin ng buong cast ng “The Half Sisters” ang aktres isang araw bago ang kaniyang kaarawan ngayong Huwebes.
 
Bukod kay Barbie at Vaness, naroon din sina Jean Garcia, Andre Paras, Winwyn Marquez, Mel Martinez, Patricia Ismael, at ang production staff kasama si Direk Mark Reyes.
 
“Happiest birthday @theatolentino13 we love you! cheers to another great adventure,” ayon kay Mel.
 
 
- JST, GMA News