Filtered By: Showbiz
Showbiz
LIST

Kapuso stars among Philippines' richest celebrities


 
 
 
 
 
 
 
Nangunguna sa listahan ng Richest Pinoy Celebrities ayon sa latest income tax return ang Pambansang Kamao at “MP featuring Sports Science” host na si Manny Pacquiao, na mayroong naitalang net worth na humigit-kumulang P7.2 billion.
 
Noong Hunyo, si Pacman ang nag-iisang Pilipino na nakapasok sa Top 10 ng listahan ng highest-paid celebrities sa buong mundo ayon sa American business magazine and online financial news platform na Forbes, kung saan pumangalawa siya sa American boxer na si Floyd Mayweather
 
Sunod kay Manny ang batikang TV host and anchor na si Willie Revillame, na nasa P600 million naman ang kasalukuyang net worth. Payo niya sa mga kapwa artista, “It's not about kayamanan. Hard work 'yan, fruits of labor lahat ng 'yan. 'Yung kayamanan mo naman is not about the money. It's about how you invest your money, kasi lahat ng kayamanan na ito, kapag may nangyari sa'yo, in one second, that's it (wala na).”
 
Pasok rin sa listahan sina Bossing Vic Sotto ng longest-running noontime show na “Eat Bulaga,” na mayroong net worth na hindi bababa sa P450 million, pati na si Marian Rivera na mayroong net worth na P225 million, at ang asawa niyang si Dingdong Dantes na humigit-kumulang P135 million ang net worth.
 
Kaugnay nito, nagbigay-paalala ang “Pari 'Koy” star: “Lahat 'yan hiram lang natin. Pwedeng mawala 'yan lahat one day. Mahalaga pa ring bigyan ng importansya ang relationships more than any wealth.” —Bianca Rose Dabu/JST, GMA News