Filtered By: Showbiz
Showbiz

Showbiz personalities, netizens mourn death of teen actress Julia Buencamino


Bumuhos ang pakikiramay at mga mensahe ng pagmamahal at suporta para sa pamilya ng 15-anyos na aktres na si Julia Louise Buencamino, na natagpuang walang buhay sa kanilang bahay at pinaniniwalaang nag-suicide.
 
Si Julia ay bunsong anak ng mga batikang stage, TV at film actors na sina Nonie at Shamaine Buencamino.
 
Sa ulat nitong Miyerkules, sinabing natagpuan si Julia ng kanilang kasambahay na wala ng buhay sa bahay ng mga Buencamino sa Quezon City bandang alas-otso ng gabi, nitong Martes, July 7.

Idineklara siyang dead on arrival sa ospital.
 
Ang mga kaibigan at katrabaho ni Julia sa kinabibilangan niyang programa sa ABS-CBN, labis na nabigla sa nangyari.
 
“C'mon Julia, what happened? I still can't believe it. We shared a lot of moments together and always had the longest hugs. I hope you're happy wherever you are now,” ayon sa aktor at kaibigan ni Julia na si Mario Mortel.
 


 

 








 


 


Maging ang ilang netizens, nakiramay at hindi makapaniwala sa nangyari sa batang aktres dahil larawan umano ito ng masayahing teenager, at walang anumang senyales na mayroon siyang pinagdaraanan.










-- FRJ, GMA News