Filtered By: Showbiz
Showbiz

‘Rosalinda’ star Fernando Carrillo back in PHL, wants to make movie with Pacquiao


Balik-Pilipinas sa ikatlong pagkakataon ang Venezuelan actor na si Fernando Carrillo, na mas nakilala at minahal ng mga Pilipino bilang Fernando Jose sa hit Mexicanovela na “Rosalinda” kung saan nakatambal niya ang sikat na Mexican actress na si Thalia.
 
Ayon sa ulat ng 24 Oras noong Martes, bukod sa pagbisita sa bansa, nais din daw imbitahan ni Carrillo si Pambansang Kamao Manny Pacquiao upang gumawa ng pelikula, lalo na ngayon na bukod sa pag-arte ay abala na rin siya bilang isang producer.
 
Puring-puri rin ng aktor ang Pinoy adaptation ng “Rosalinda” na pinagbidahan naman nina Carla Abellana at Geoof Eigenmann. 
 
Sa ekslusibong panayam naman kay Aubrey Carampel ng GMA News, sinabi niya na magiging maganda rin kung makagagawa siya ng pelikula kasama ang Kapuso actress at tinaguriang Pinay Rosalinda.
 
Agad naman itong sinagot ni Carla sa pamamagitan ng isang Instagram post nito ring Martes, at sinabing “Why not? Hihihihi”
 
 

Why not? Hihihihi ??
 
 
 

A photo posted by Carla Abellana (@carlaangeline) on







 


Samantala, interesado rin umano si Carrillo na gumawa o maging bahagi ng teledrama sa bansa.
 
Ikinatuwa rin niya ang isa na namang remake ng hit Mexican drama series na Mari Mar na pagbibidahan naman nina Megan Young at Tom Rodriguez, kaya naman walang pag-aatubili niya ring sinabi na handa siyang mag-guest sa pinakabagong Pinoy adaptation ng naturang Mexicanovela.
 
Aniya, “It would be an honor. Actors want to act, and acting in coutries like this has been so important in my life. And acting with younger generations, it's rewarding.” — Bianca Rose Dabu/RSJ, GMA News