Filtered by: Showbiz
Showbiz

Basta driver, sweet lover: Race car champ Marlon Stockinger on driving a jeepney


Nagkaroon ng pagkakataon ang Filipino-Swiss racecar champion na si Marlon Stockinger na makapagmaneho na likas na Pinoy mode of transportation na jeepney sa naganap na race car show na naganap sa Bonifacio Global City sa Taguig nitong Sabado, June 27.
 
Sa ulat ni Mark Zambrano sa “24 Oras Weekend” nitong nakaraang linggo, inamin ng racing driver na nahirapan siyang magmaneho ng jeep.
 
Aniya, “Mahirap talaga, mahirap magmaneho [ng jeep]. Grabe! Tapos wala pang power steering sa kotse. But it was okay. Okay naman ‘yung manual and we just had a lot of fun.”
 
Nag-post rin siya sa kanyang Instagram account ng larawang kaugnay ng naging karanasan niya sa pagmamaneho ng jeepney sa kalsada ng Taguig, at sinabi pa sa caption na, “Sakay na po! Basta driver, sweet lover!”
 
 

Sakay na po basta driver sweet lover! #ManongSpeed #GlobeSlipstream #BilisNgPinoy

A photo posted by Marlon Stockinger (@marlonstockinger) on

 
Bukod pa riyan, nagpamalas rin ng kanyang galing sa race car driving si Stockinger nang irampa niya ang Lotus World Series race car sa Bonifacio Global City, matapos ang pagrampa rin ng ilang car enthusiasts ng kani-kanilang sports car.
 
 

Tasty #GlobeSlipstream #BilisNgPinoy

A video posted by Marlon Stockinger (@marlonstockinger) on

 
—Bianca Rose Dabu/JST, GMA News