Filtered By: Showbiz
Showbiz

Lovi Poe, full support sa kaniyang ate na si Sen. Grace Poe


Kasunod ng pag-usisa ngayon sa tunay na pagkatao ni Senador Grace Poe, inihayag ng kaniyang nakababatang kapatid na si Lovi Poe ang buong suporta sa kaniyang ate.

"At the end of the day she's my sister. At the end of the day she's a Poe. I will totally support my sister," saad umano ni Lovi sa Instagram post ng GMA News reporter na si Nelson Canlas.



Si Lovi ay anak ng yumaong aktor na si Fernando Poe Jr., sa dating aktres na si Rowena Moran.

Samantala, hindi lingid sa publiko na si Sen. Poe ay ampon na anak nina FPJ at aktres na si Susan Roces. (WATCH: Ang sinasabing pinagmulan ni Sen. Grace Poe)

Sa kabila nito, wala umanong hidwaan na namamagitan sa magkapatid na Grace at Lovi.

Makikita ito sa isinagawang panayam sa dalawa ni entertainment columnist at "Startalk" host Ricky Lo na naganap noong nakaraang taon. (WATCH: Sisters Lovi, Sen. Grace tell story of 1st meeting at FPJ's wake.) -- FRJ, GMA News
 
Tags: lovipoe, gracepoe