Filtered By: Showbiz
Showbiz

WATCH: Jonalyn Viray celebrates 10th anniversary in showbiz


Sampung taon na ang nakararaan mula nang manalo ang Kapuso artist na si Jonalyn Viray sa singing contest na "Pinoy Pop Superstar" at simula nga noon ay naging isa na siya sa pinakakilalang singer sa industriya.

Kabilang sa mga pinasalamatan ni Jonalyn ang kanyang pamilya, mga kaibigan, at mga tagahanga na naniwala sa kanya at sa kanyang talento simula noong kabilang pa lamang siya sa mga kalahok ng naturang singing contest.



Nagpasalamat rin siya sa mga mentors niya na sina Asia's Songbird Regine Velasquez at Soul Diva Jaya na gumabay sa kanya bilang isang singer.

Kinilala ang talento ni Jonalyn ng iba't ibang award-giving bodies, gaya na lamang ng PMPC Star Awards for Music, Awit Awards, Aliw Awards, at marami pang iba. Kasama rin siya sa mga nagbigay ng karangalan sa Pilipinas sa nagdaang World Championships of Performing Arts.

Kasalukuyang siyang mapapanood linggo-linggo sa "Sunday All Stars" at sa ilan pang Kapuso shows at concerts sa loob at labas ng bansa. -- Bianca Rose Dabu/JST, GMA News

Tags: jonalynviray