LOOK: Bossa nova queen Sitti's beautiful Baguio wedding
Ikinasal nitong nakaraang Biyernes, May 29, ang Bossa Nova singer na si Sitti Navarro at ang kanyang boyfriend na si Joey Ramirez matapos ang kanilang engagement noong Hunyo ng nakaraang taon.
Private at intimate ang naging kasal nina Sitti at Joey sa Baguio Country Club na dinaluhan lamang ng kani-kanilang mga pamilya at malalapit na kaibigan.
Nagkaroon man ng sandaling pag-ulan, masaya pa ring ipinagdiwang ng bagong kasal at ng kanilang mga bisita ang pag-iisang dibdib, na binansagan nilang "bikerxbossa."
Kabilang sa mga personalidad na dumalo sa kasal ang singers at showbiz personalities na nakatrabaho at naging kaibigan na ni Sitti, gaya nina Boy Abunda, Kean Cipriano, Richard Poon, Aiza Seguerra, Liza Dino, Nyoy Volante, Gary Valenciano, at Nikki Gil.
-- JST, GMA News