Filtered By: Showbiz
Showbiz

GALLERY: Enzo Pineda shows off sculpted body: 'If you've got it, flaunt it'


Proud na ibinabandera ng Kapuso actor na si Enzo Pineda sa kanyang matipunong katawan sa social media, kabilang rin ang workouts and sports na kanyang ginagawa upang makamit ito.

Ayon kay Enzo sa isang panayam sa PEP.ph, masaya siya na maganda ang feedback ng followers sa kanyang mga larawan, lalo na at kung nagsisilbi siyang inspirasyon sa isang fit at healthy lifestyle.

“Pinaghirapan ko siya. I work out every day. Not because I just want to look good, but also, para rin sa sarili ko. I want to be the best physically and mentally. Bonus na lang sa akin na nakikita nilang may improvement sa physique ko," dagdag pa ng 24-year-old actor

Wala naman daw siyang nakikitang masama sa pagpo-post ng mga naturang larawan.

“Kung may maipagmamalaki ka naman, why not?" aniya.

 
 
 
 
 
 


-- JST, GMA News