Filtered by: Showbiz
Showbiz
IN PHOTOS: Bianca Umali as Reyna Elena in Antipolo Grand Sagala 2015
Nakisaya ang Kapuso young actress na si Bianca Umali sa taunang Antipolo Maytime Grand Sagala nitong nakaraang Linggo bilang Reyna Elena ng naganap na Santacruzan sa nasabing lungsod sa lalawigan ng Rizal.
Kasama ng aktres ang 39 pang binibini na nagpamalas ng ganda at poise sa kani-kanilang nagagandahang gowns at magarbo at makulay na mga arko, pati na ang ilang kabataang gumanap bilang anghel sa prusisyon.
Ang Grand Sagala na ito ay bahagi ng Antipolo Maytime Festival na pinangungunahan ni Mayor Jun Ynares. Layon ng nasabing pagdiriwang na maging simbolo ng mayaman at makasaysayang tradisyon ng mga taga-Antipolo, pati na ang kulturang nakasentro sa pananampalataya at pasasalamat sa Panginoong Diyos.
-- Bianca Rose Dabu/JST, GMA News
Tags: biancaumali, multimedia
More Videos
Most Popular