Filtered By: Showbiz
Showbiz

LOOK: Angelica Panganiban's touching message on her mom's death anniversary


Dalawang taon na ang lumipas mula nang pumanaw ang adoptive mother ng aktres na si Angelica Panganiban na si Melania David Panganiban.

Kaugnay nito, inihayag ng aktres ang kanyang pagmamahal at pangungulila sa inang kumupkop sa kanya sa pamamagitan ng isang post sa Instagram kung saan makikitang nakayakap sa kanya ang ina noong nabubuhay pa ito.

"Nagbabakasakali lang akong may Internet sa Heaven at mababasa mo 'to," pabirong panimula ni Angelica.

 

Hi mommy.. Sakto lang sa mga oras na to, 2 years ago.. Iniwan mo na kami. Nagpahinga ka na. At ayaw mo ng mahirapan. Nagbabakasakali lang akong may ineternet sa Heaven.. At mababasa mo 'to. Alam mong, walang araw ang nakalipas na di ka sumagi sa isip ko. May mga gabi na bigla na lang akong iiyak, kasi alam kong kahit anong gawin ko, hindi na kita mayayakap ulit. Hindi ko na ulit maririnig mga kwento mo.. Sinusubukan kong ibalik ang direksyon ng buhay ko. And this time, seseryosohin ko na. Sa tamang panahon, magkikita ulit tayo. At ang gusto ko lang, maging proud ka sakin. Sa mga naging desisyon ko sa buhay. Sa pag aalaga ko sa sarili ko at kila mama. Kaya alam kong d ko pa time, kasi wala pa kong mapagmamalaki sayo. Na mmiss ko pag pinapagalitan mo ko. Kapag pinapalo mo ko. Kapag madilim na at naglalaro pa rin ako sa kalye. Alam ko ang damot damot ko, dahil hindi pa rin kita kayang pakawalan.. Binigla mo kasi ako. Ni hindi ka man lang nilagnat.. Ang bilis bilis ng pangyayari. Hindi ka nag payakap sakin one last time. I love you mommy. And i miss you..

A photo posted by Angelica Panganiban (@iamangelicap) on



Pagpapatuloy niya, "Alam mong, walang araw ang nakalipas na di ka sumagi sa isip ko. May mga gabi na bigla na lang akong iiyak, kasi alam kong kahit anong gawin ko, hindi na kita mayayakap ulit. Hindi ko na ulit maririnig mga kwento mo."

Dagdag pa ni Angelica, sinusubukan niya umanong ibalik ang direksyon ng buhay niya, na tila bahagyang nawala noong pumanaw ang kanyang ina at nawala ang paggabay nito sa kanya.

Inaasahan rin umano ng aktres ang muli nilang pagkikita, at nais niyang maging proud sa kanya ang ina dahil sa mga ginawa niyang desisyon at sa pag-aalaga niya sa kanyang sarili at sa kanilang pamilya.

"Alam ko ang damot-damot ko dahil hindi pa rin kita kayang pakawalan. Binigla mo kasi ako. Ni hindi ka man lang nilagnat. Ang bilis bilis ng pangyayari. Hindi ka nagpayakap sa 'kin one last time. I love you mommy. And I miss you," pagtatapos ni Angelica. -- Bianca Rose Dabu/JST, GMA News