Filtered By: Showbiz
Showbiz
LOOK: Gab Valenciano and Tricia Centenera's second wedding in Boracay
Matapos ang kanilang kasal noong Biyernes sa exclusive membership resort na Tagaytay Highlands, muling nagdaos ng seremonya ng kasal at wedding reception sina Gab Valenciano at Tricia Centenera sa Discovery Shores, Boracay nitong Martes, March 31.
Muli itong dinaluhan ng kanilang mga kaanak at kaibigan mula sa loob at labas ng showbiz, kabilang na ang host, fashion blogger at model na si Kim Jones at ang 'Spongecola' singer na si Yael Yuzon.
Casual at summer-themed ang naging pangalawang kasal ng anak ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano at ng fashion blogger. Sa katunayan, karamihan sa mga dumalong kalalakihan ay nakasuot lamang ng puting shorts, kabilang na ang mismong groom.
Ayon kay Gab sa naunang pahayag, pangarap talaga ng kanyang asawa na magkaroon ng beach wedding.
Samantala, trip sa Paris para sa kanilang honeymoon ang regalo ni Gab sa kaniyang wife, habang sky diving lessons naman sa Amerika ang regalo ni Trish kay Gab. —Bianca Rose Dabu with Jessica Bartolome/JST, GMA News
Tags: gabvalenciano, triciacentenera
More Videos
Most Popular