Filtered By: Showbiz
Showbiz

WATCH: The 'truth' behind Mich Liggayu's newest viral video


Makaraang pag-usapan sa social media nitong Martes ang  isang video na makikitang kumakanta si Mich Liggayu at ilang kaibigan sa loob ng hospital room habang nakaratay ang namayapa niyang boyfriend na si Jam Sebastian, lumabas naman nitong Miyerkules ang iba pang video na umano'y magpapakita ng tunay na kuwento sa likod ng naunang lumabas na video. 

WATCH: Mich Liggayu, usap-usapan muli sa social media

Sinasabing ang bagong video na lumabas ay ang 'uncut' version ng naunang video na may titulong "Truth about Controversial Video of Mich Singing at the Hospital." Ito ay kuha umano ng isang David Rodney.
 
"The viral video of Mich singing at the hospital was edited to cut out its reverse angle. They made that scandal for attention. This video tells the TRUTH about that controversial video," ayon sa isang post sa Facebook fanpage ng 'JaMich.'
 
Makikita sa naturang video na tila nagja-jamming ang pamilya at mga kaibigan ni Jam upang pasayahin ang binatang lumalaban noon sa sakit na lung cancer. Ilan pa sa mga bisita ay may dalang poster at regalo para sa YouTube sensation.
 
Dagdag pa sa isang post sa nasabing fanpage, "Kaya po nagkakantahan sila sa loob ng hospital. Para lalong lumakas ang loob ni Jam lumaban!"

 

The viral video of Mich singing at the hospital was edited to cut out its reverse angle. They made that scandal for...

Posted by Jamich on Tuesday, March 31, 2015



-- Bianca Rose Dabu/FRJ, GMA News