Filtered By: Showbiz
Showbiz

LOOK: 5 Kapuso newscasters among 'Top 10 Hottest Newswomen'


Inilista ng lifestyle and commentary website na Spot.ph ang ilan sa pinakamagagandang newscasters sa Philippine television ngayon. Kabilang sa listahan ang ilan sa mga Kapuso reporter na napapanood sa GMA at GMA News TV.

“No matter how disheartening or infuriating their updates make us sometimes, these women somehow make it a little easier to digest,” ayon sa Spot.ph website.
 

  • Pia Arcangel-Halili
 
Nagsimulang lumabas sa telebisyon bilang isang sideline reporter si Pia Arcangel noong 2000, at naging bahagi siya ng morning news at talk show na Unang Hirit noong 2003. Mula rito, nagtuloy-tuloy na ang kanyang career bilang isang TV personality at mas nakilala pa siya nang maging host ng 'Art Angel' noong 2004 hanggang 2010 kasama si Tonipet Gaba.
 
Kabilang siya sa mga unang news anchor ng Balitanghali sa GMA News TV, at kasalukuyan siyang mapapanood sa 24 Oras Weekend at Saksi.
 
 

A photo posted by Pia Arcangel (@piaarcangel) on




 
 
  • Cata Tibayan
 
Isa si Cata Tibayan sa mga mapagkukunan ng latest showbiz updates mula sa GMA News. Bukod sa mga regular updates niya sa social media, kasalukuyan rin siyang mapapanood sa 24 Oras Weekend kasama si Pia Arcangel at Jiggy Manicad.
 
Nagsimula ang kanyang pagiging news reporter noong 2011 sa programang 'Brigada.'
 
 

A photo posted by Cata Tibayan (@iamcatatibayan) on




 
 
  • Rhea Santos
 
Isang award-winning na broadcast journalist at newscaster si Rhea Santos na isa sa pinakamatagal nang host ng morning news and talk show na Unang Hirit at kasalukuyang host ng programang Tunay na Buhay ng GMA News TV. Nagin bahagi rin siya ng Pinoy Abroad noong 2004, DoQmentaries, News on Q, Reporter's Notebook, at marami pang iba.
 
Kabilang sa mga pagkilalang natanggap ni Rhea ang Star Awards for TV 2006 Best Travel Show Host para sa "Pinoy Abroad" at Star Awards for TV 2008 Best Morning Show Host para sa "Unang Hirit."
 
 

A photo posted by Rhea Santos (@msrheasantos) on




 
 
  • Micaela Papa
 
Patuloy ang pagiging aktibong reporter ng GMA senior news correspondent na si Micaela Papa matapos siyang makatanggap ng kabi-kabilang pagkilala para sa kanyang "Brigada" documentary na 'Gintong Krudo' na tumatalakay sa child labor.

Ilan lamang sa mga pagkilalang kanyang tinanggap ang One World Award mula sa US International Film and Video Festival at Silver World Medal mula sa New York Festivals.
 
Kabilang rin siya sa mga reporter na naghahatid ng ilan sa mga pinakamalalaki at mabibigat na balita, tulad na lamang ng pananalanta ng bagyong "Yolanda" ilang taon na ang nakararaan.
 
 

A photo posted by Micaela Papa (@micaelapapa) on




 
 
  • Victoria Tulad
 
Nagsimula bilang isang baguhang reporter si Victoria Tulad noong 2011 at naging isa sa mga senior news correspondent matapos ang pagbabalita hinggil sa mga pinakaimportanteng isyu ng bayan, tulad na lamang ng Mamasapano clash at ng isyu sa New Bilibid Prison.
 
Mapapanood siya sa mga news programs ng GMA at GMA News TV kabilang na ang Balitanghali, 24 Oras, at State of the Nation.
 
 

A photo posted by @victoriatulad on





-- Bianca Rose Dabu/FRJ, GMA News
Tags: look, watch