Filtered By: Showbiz
Showbiz

LOOK: Melissa Mendez apologizes to Andrew Wolff's friend Rey Pamaran


Matapos ang batuhan ng mga pahayag mula sa magkabilang kampo dahil sa offloading incident na nangyari noong nakaraang linggo, humingi na ng paumanhin ang aktres na si Melissa Mendez kay Rey Pamaran, kaibigan ng TV host na si Andrew Wolff.
 
Matatandaang sapilitang pinababa ng eroplano ang aktres noong Biyernes matapos umanong gumawa ng eksena.
 
Simula noon, kaliwa't kanang pahayag na ang lumabas mula sa kampo ni Melissa at Rey, pati na ang mga naging saksi ng naturang insidente sa eroplano. 
 
Ayon kay Melissa sa kanyang Instagram post nitong Martes, "In light of the recent incident that involved me and Mr. Rey Pamaran, I would just like to simply apologize for my untoward actions and move on from this."
 
 

Darkness cannot drive out darkness, only light can do that. Hate cannot drive out hate, only love can do that- Martin Luther King Jr.

A photo posted by Melissa Mendez (@melissamendez_real) on

 
Dagdag pa niya, masyado na siyang naaapektuhan ng naturang isyu, gayundin ang kanyang pamilya pati na ang mga tao mula sa kampo ni Pamaran.
 
"I am owning up to my mistake. No matter what the reason might be, I had no right to hurt Mr. Pamaran. Again, my deepest apologies to Mr. Pamaran and everyone else who have been affected by this," aniya.
 
Hindi pa nakapagbibigay ng pahayag ang kampo ni Pamaran hinggil sa ginawang paghingi ng paumanhin ni Melissa. —Bianca Rose Dabu/JST, GMA News