Filtered By: Showbiz
Showbiz

Jennylyn Mercado allows son to attend Nikka Martinez and Patrick Garcia's wedding


Ikinasal na nitong Sabado sa Blue Bay Leaf Filipinas sa Parañaque ang aktor na si Patrick Garcia sa kaniyang long-time non-showbiz girlfriend na si Nikka Martinez.
 
Bukod sa mga kaanak at malalapit na kaibigan ng dalawa mula sa loob at labas ng showbiz, naroon din sa seremonya at pagdiriwang na kanilang pag-iisang dibdib ang anak ni Patrick kay Jennylyn Mercado na si Alex Jazz.
 
Sa isang Instagram post matapos ang kasal, nagpasalamat ang bride na si Nikka sa 'Second Chances' star sa pagpayag na maging bahagi ang 6-year-old na si Jazz ng kanilang special day.
 
 
Aniya, "I would like to acknowledge @mercadojenny for allowing Jazzy to celebrate our very special day! Thank you so much Jen! This truly meant so much to me!"
 
Naroon din ang anak nina Patrick at Nikka na si Chelsea na nagsilbing "little bride" ng entourage.
 
Ilan sa mga showbiz personalities na dumalo sa kasal ang kapatid ng groom na si Chesca Garcia-Kramer at ang asawa nitong si Doug Kramer, pati ang mga anak na si Kendra, Scarlett, at Gavin. Naroon din sina Antoinette Taus, Paula Peralejo, at Cogie Domingo na nakatrabaho at naging kaibigan ni Patrick sa showbiz. —Bianca Rose Dabu/JST, GMA News