Filtered By: Showbiz
Showbiz

LOOK:  Celebrities who graduated from college


Ngayong panahon na naman ng pagtatapos para sa maraming mag-aaral sa bansa, balikan natin ang ilan sa mga iniidolo ngayon sa Philippine showbiz industry na hindi nakalimot sa pinakamahalagang bagay na maaari nilang ipagkaloob sa kanilang sarili higit pa sa kasikatan at kayamanan-- ang edukasyon.
 

  • Dingdong Dantes
Pinatunayan ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes na kailanman ay hindi mahuhuli ang lahat upang makapagtapos ng pag-aaral. 
 
Nitong nakaraang taon lamang, nakuha niya ang kanyang college diploma mula sa West Negros University kung saan niya kinuha ang degree na  Business Administration major in Marketing Management.
 


 

 

 

  • Marian Rivera
    Bago pumasok sa showbiz at maging isa sa pinakakilalang artista, endorser, at TV host, nakapagtapos ng kursong Bachelor of Arts in Psychology sa De La Salle University Dasmariñas si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera. 
     


     

     


     

    • Alma Concepcion

    Isang halimbawa ng beauty and brains ang aktres at dating beauty queen na si Alma Concepcion matapos siyang makakuha ng dalawang college degrees mula sa mga prestihiyosong pamantasan.
     
    Noong nakaraang taon, nagtapos ng kursong Interior Design sa University of the Philippines si Alma, at nakapasa rin sa board exam. Bago pa ito, nakapagtapos na noon ang aktres ng kursong International Business sa Southville International School sa Parañaque.
     



     



    Eugene Domingo

     
     
    •  
    • Nakapagtapos ng kursong Bachelor of Fine Arts Major in Theater Arts sa Univeristy of the Philippines-Diliman ang batikang aktres at komedyante na si Eugene Domingo. 
       
      Ito ang naging daan upang makapasok siya sa showbiz at makilala sa mainstream at indie film industry, pati na sa telebisyon.

       
      •  
    •  
      • Carla Abellana
      •  
      Hindi lamang nakapagtapos, ngunit nakapagtapos bilang isang cum laude ang Kapuso actress na si Carla Abellana sa De La Salle University-Manila kung saan siya kumuha ng kursong Bachelor of Arts in Psychology.
       
       

      A photo posted by Carla Abellana (@carlaangeline) on














       

    •  
      • Michael V.
      •  
      Isang graduate ng kursong Mass Communications mula sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila sa Intramuros ang komedyante, aktor, direktor, singer, composer, at manunulat na si Michael V. Dito niya rin nakilala ang kanyang asawang si Carol Bunagan.

       
       

      A photo posted by michaelbitoy (@michaelbitoy) on














    •  
      • Nikki Gil
      Bukod sa pagtatapos bilang valedictorian noong high school, kabilang irn ang aktres at VJ na si Nikki Gil sa 2009 graduates ng prestihiyosong Ateneo de Manila University, kung saan siya kumuha ng kursong English Literature.
       
      Isa si Nikki sa mga showbiz personality na pinagsabay ang kanilang career at pag-aaral. Pangarap niyang makapasok sa law school sa hinaharap.
       
       

      A photo posted by Nikki Gil (@nikkigil) on















      -- Bianca Rose Dabu/FRJ, GMA News