Filtered By: Showbiz
Showbiz
Rock and roll bride: Kitchie Nadal wears P799 RTW gown for wedding
By BIANCA ROSE DABU, GMA News
Pinatunayan ng OPM singer-songwriter na si Kitchie Nadal na isa siyang "rock and roll bride" dahil bukod sa pag-aayos sa kanyang sarili para sa kanyang kasal, isa rin siyang larawan ng glowing bride sa isang ready-to-wear wedding gown na nagkakahalaga lamang ng P799.
Ayon sa blog post ng malapit na kaibigan ni Kitchie na si Niña Sandejas, nabili ni Kitchie ang damit sa isang boutique sa Makati. Unang sukat pa lamang daw ng singer at alam niyang ito na ang perfect wedding dress para sa kanya.
"The story about her dress floored everyone and this should show all brides around the world that sometimes it’s about the woman and not the dress," dagdag pa ni Niña.
Suot ni Kitchie ang naturang gown sa wedding ceremony sa Tagaytay at sa post-wedding celebration sa Cebu.
Naganap ang autumn-themed Christian wedding ceremony nina Kitchie at Carlos sa Hacienda Isabella sa Tagaytay City noong February 26, at nasundan ng celebration sa Alta Vista sa Cebu.
Bukod diyan, ibinahagi rin ng wedding planner na si Chinkie Agregado na nanggaling pa si Kitchie sa Makati bago magpunta ng Tagaytay para sa kanyang kasal.
Kwento ni Chinkie, "Did her own make up just before she left for Tagayay coming from her house in Makati. Arrived in the venue just a few hours before her ceremony, wore her wedding dress then got married."
A photo posted by Chinkie Uy Agregado (@chinkieagregado) on
—JST, GMA News
Tags: kitchienadal
More Videos
Most Popular