Filtered By: Showbiz
Showbiz
Anak ni Eat Bulaga host Jimmy Santos, kabilang sa mga kalahok sa isang male pageant
Kabilang ang anak ng Eat Bulaga host na si Jimmy Santos sa mahigit 20 kalalakihan na maglalaban-laban para sa titulong Mister Republic of the Philippines.
Sa late night news Saksi nitong Huwebes, inihayag ni Jerome Santos na sinabi sa kaniya ng amang si Jimmy na proud ito sa kaniya.
Kabilang din sa mga contestant ang pulis na si PO1 Dennis Keliag, tinaguriang "gwapulis" at kahawig ng Kapuso actor na si Mark Herras.
Malaking impluwensya daw sa kaniyang pagsali ang binansagang "hot cop" na si Neil Perez, na nanalong Mr. International. (Basahin: Filipino Neil Perez wins the Mister International 2014 pageant)
Kalahok din ang US Marine at Fil-Am na si Marvin Ric Sanchez na tubong Palawan. -- FRJ, GMA News
More Videos
Most Popular