Filtered By: Showbiz
Showbiz

WATCH: Heart's explanation of why her parents chose not to come to her wedding


Kapansin-pansin ang pagiging absent ng mga magulang ni Heart Evangelista sa kasal ng aktres nitong Linggo kay Sen. Chiz Escudero.
 
Bakit nga ba hindi sumipot sina Mr. and Mrs. Ongpauco sa special day ng kanilang anak?
 
Ilang buwan bago ang kasal, ipinaliwanag ng aktres sa publiko kung bakit hindi makakadalo ang kanyang mga magulang sa kanyang kasal. 
 
Sa isang episode ng "Basta Everyday Happy" noong Oktubre kasama ang kanyang malapit na kaibigan na si Alex de Rossi at si Chef Boy Logro, sinabi ni Heart na nagbigay naman ng blessing ang kanyang ama at ina upang ipakasal siya, ngunit hindi nila kayang makita siyang magpakasal.
 
 
Naging bukas naman ang isip ng aktres hinggil dito at buong puso niyang inintindi ang naging desisyon ng mga magulang.
 
“Okay na rin siguro kung nahihirapan talaga sila. Ako lang naman ang makakaintindi nu'n. So, okay lang sa akin,” aniya.
 
Magkikita na lamang daw sila ng kanyang mga magulang pagbalik niya sa Maynila mula sa Balesin Island Club sa Quezon Province kung saan idinaos ang kanyang kasal.
 
Sa wedding reception, nagpaabot ng mensahe ang ama ni Heart. “When the day comes that I see both of you truly happy, when I see Chiz loving you the way you deserve to be loved, I will come knocking at your door.” —Bianca Rose Dabu/JST, GMA News