Filtered By: Showbiz
Showbiz
ER Ejercito announces plan to star in movie about SAF 44
Inanunsyo ng aktor at dating gobernador ng Laguna na si Emilio Ramon “ER” Ejercito ang pagsasapelikula ng buhay at kabayanihan ng mga pulis sa ilalim ng Philippine National Police-Special Action Force.
Kasunod ito ng pagkamatay ng 44 PNP-SAF officers sa madugong engkwentro sa pagitan ng mga sundalo sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25.
Ayon kay ER sa isang Facebook post, “Bilang pagpupugay natin sa 44 bayani ng PNP-SAF officers na nagbuwis ng buhay sa Mamasapano clash, isasapelikula ng inyong lingkod ang makulay na buhay at kabayanihan ng ating mga magigiting na sundalo upang mabigyan ng tamang pagkilala at pagpupugay ang ?#Fallen44?.”
Ayon sa poster na ipinost ni ER, Pangungunahan ng direktor na si Pedring Lopez ang paggawa ng pelikulang pinamagatang “Special Action Force.”
Post by ER Ejercito.
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang official Facebook page ng 'Special Action Force' movie. —Bianca Rose Dabu/JST, GMA News
Tags: erejercito
More Videos
Most Popular