Filtered By: Showbiz
Showbiz

How Shaina Magdayao reacted after Angelica Panganiban's comments


Hindi naiwasang mag-react ng aktres na si Shaina Magdayao matapos ang TV interview ni Angelica Panganiban kung saan sinabi nitong "Ako ang nagwagi!" kaugnay ng paghihiwalay ni Shaina at ng aktor na si John Lloyd Cruz, na kasintahan ngayon ni Angelica.
 
Ilang oras lamang matapos i-ere ang panayam, nag-post si Shaina sa Instagram ng isang larawan na may mga katagang "Those who tried to break you are expecting you to be on fight mode. Conquer them with your peace."
 
Sinabi rin niya sa caption ng naturang post na wala siyang ibang ginagawa sa mga taong nais manakit sa kanya kundi ang ipagdasal ang mga ito.
 
Aniya, "One thing I do best to people who 'try' to put me down and 'try' to break me even if I'm not doing anything to them? I PUT YOU ON MY PRAYER LIST. Exactly what I did before, and what I still continue to do 3 years after."
 
Hiniling rin ni Shaina na huwag na muling banggitin ang kanyang pangalan kaugnay ng mga isyung kagaya nito.
 
Nagpasalamat rin siya sa mga kaibigan, kung saan niya nalaman ang balita hinggil sa nangyaring panayam, pati na sa mga tagasuporta at sa Panginoon.
 
"Just a lil' bumpy moment this evening based on friends texts but all good. Still a good Sunday after all... So much to be thankful for and to smile about. THANK YOU, LORD," ayon kay Shaina.
 
 

ONE thing I DO BEST to people who "try" to put me down and "try" to break me even if Im not doing anything to them? ???????????????????????????????????????????????????? I PUT YOU ....ON MY PRAYER LIST ???????? exactly what i did before, and what i still will continue to do 3 years after #takethehigherroad ???? #butplsdontmentionmynameeverrragain just a lil bumpy moment this evening based on friends texts but all good ???????? Still a good Sunday after all.. ???? Blessed with #SundayWorkday w my #ASAP20 family and my ever loyal supporters #Shainatics ???? Blessed with a wonderful loving family and a peaceful sunday evening surrounded with beautiful hearted friends ?? Ah Life ???? Still so much to be thankful for ???? and to smile about ?????? Life is Good and our God is Great! ?????????????? THANK YOU, LORD for tonights comfortable sleep and sweetest dreams ???? Good night, Instagram World ????????????

A photo posted by Shaina Magdayao (@shaina_magdayao) on

 
Nitong Linggo, ipinalabas ang panayam kay Angelica Panganiban kung saan napag-usapan si Shaina na ex-girlfriend ng kanyang kasintahang si John Lloyd.
 
Matapos ibahagi ni Angelica kung paano niya bina-bash si John Lloyd at Shaina noong magkasintahan pa sila, kasama si John Prats na itinuturing niyang best friend, itinanong niya sa sarili kung ano kaya ang nararamdaman ngayon ni Shaina.
 
Ayon kay Angelica, "“Sabi ko, in fairness no, si Shaina, ano kaya nararamdaman? Best friend ko, tapos dyowa niya dati. Ako ang nagwagi.”
 
Inilahad rin niya sa naturang panayam na sa kanyang palagay, siya ang naging dahilan ng hiwalayang John Lloyd at Shaina tatlong taon na ang nakararaan. — JST, GMA News