Filtered by: Showbiz
Showbiz

LOOK: Charice shows off sculpted body


Bukod sa maganda at masayang relasyon sa pamilya at kasintahan, sinisiguro rin ng international singing sensation na si Charice Pempengco na napapanatili niya ang maganda at malusog na pangangatawan. 
 
Sa kanyang Instagram account na @supercharice, ipinapakita ng singer ang kanyang toned arms at abs na bunga ng pagwo-workout sa gym at pagda-diet.
 
Ayon kay Charice, inabot siya ng apat na buwan upang makamit ang pangangatawan niya ngayon. Sa kabila nito, patuloy pa rin siya sa pagpupursigi sa gym at pag-control ng kanyang mga kinakain.
 
 
—Bianca Rose Dabu/JST, GMA News