Filtered by: Showbiz
Showbiz

Anu-ano ang plano ng ilang Kapuso artists ngayong 2015?


Masayang sinalubong ng ilang Kapuso stars ang bagong taon kasama ang kani-kanilang pamilya. Alamin ang mga plano ng ilan sa kanila ngayong 2015.

Sa "Chika Minute" report ni Aubrey Carampel sa GMA News 24 Oras nitong Huwebes, sinabing health at well-being ng kaniyang pamilya, at maging mas positive sa buhay ang New Year's resolution ni Glaiza de Castro.

"Mas magpo-focus ako sa mga positive things, mas magiging optimistic ako this year," anang aktres na nagsabing may mga napalampas siyang opportunities nitong 2014.

Ang newly engaged na si Solenn Heussaff, sinalubong ang bagong taon kasama ang kaniyang pamilya sa Japan at nag-enjoy sa snow.

Si Elmo Magalona, sinunod naman ang tradisyong pagtalon sa pagpapalit ng taon.

Ang newlyweds na sina Dingdong at Marian Dantes, nag-celebrate ng kanilang first new year as husband and wife kasama pa ang ama ng aktres.

Ang bride-to-be na si Heart Evangelista, balik-Pilipinas mula sa bakasyon sa Amerika at magtutungo naman sa Tagaytay sa new year's day.

Si LJ Reyes, mas maraming travel opportunities daw ang gustong ma-achieve ngayong 2015.

"I'm not getting any young younger. It's better to travel when you're younger 'di ba para mas mae-enjoy mo kasi talaga," paliwanag niya.
 
Sa isa pang ulat, sinabing nais naman ni Krystal Reyes na mas maging fit at maging mas mature ang outlook ngayong 2015. -- FRJ, GMA News