Filtered By: Showbiz
Showbiz

Dingdong Dantes and Marian Rivera are now married


UPDATED: Naganap na nitong Martes, December 30, ang inaabangang pag-iisang dibdib ng Kapuso Royal Couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa Immaculate Conception Cathedral sa Cubao, Quezon City.



Dumating si Dingdong sakay ng isang Ducati motorbike bandang 2:30 ng hapon at saka sinuot ang cream-colored coat kapares ng puting panloob. Samantala, pagkaraan ng kalahating oras, dumating naman si Marian sakay ng isang 1976 sedan na ipina-restore ni Dingdong upang magsilbing bridal car niya.

 

The Bride

A photo posted by markednicdao (@markednicdao) on



Suot ni Marian ang obra ng Dubai-based Pinoy designer na si Michael Cinco na naroon sa kasal upang personal na ayusan ang bride. Gawa naman ng batikang designer na si Randy Ortiz ang suot ng groom na si Dingdong.

LINK: https://twitter.com/gmanews/status/549825709162520576

Pinamahalaan ng walong obispo at pitong pari ang kasalang Dingdong at Marian. Ayon kay Immaculate Conception Cathedral rector Fr. Ariston Sison Jr., "Ito na yata pinakamalaking wedding since naging cathedral ang Immaculate Conception Parish Church."
 
Ang seremonya ng kasal ay pinamunuan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco habang si retired Novaliches Bishop Teodoro Bacani Jr. naman ang nagbigay ng homily.

Ihinalintulad rin niya ang relasyon ng dalawa bilang mag-asawa sa teleseryeng ilang beses na rin nilang pinagtambalan. Gayunpaman, hindi kagaya ng mga teleserye, wala umanong katapusan ang papasukin nilang samahan.
 
“During this season of giving, you gave yourselves to each other,” ayon kay Bacani.

LINK: https://twitter.com/gmanews/status/549821650028351489

Ilan naman sa mga umawit sa kasal ang Hail Mary the Queen Children's Choir at Ateneo Boys Choir. Tumugtog rin sa kasal ang Symphony Strings Orchestra.

Maluha-luha si Dingdong nang magsimula ang bridal march. Gayunpaman, makikitang masayang-masaya at napapangiti pa ang dalawa sa kabuuan ng seremonya. 
 
 

A promise of forever between @dongdantes and @therealmarian #JourneytoDDay #DongYanTheWeddingDay Photo courtesy of @reginevalcasid
 
 
 
 

A photo posted by gmanetwork (@gmanetwork) on









LINK: http://instagram.com/p/xOW0RXnxcg/?modal=true
 
Hindi na napigilan ni Marian ang kaniyang luha nang ideklara na silang opisyal na mag-asawa. Tumagal ng halos walong segundo ang kanilang first kiss bilang husband and wife.

LINK: https://twitter.com/biancadabu/status/549851107472592896

Bandang 6:30 ng gabi nang makasakay sina Dingdong at Marian sa wedding car papunta sa kanilang grand reception sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City

Kabilang sa halos 700 na bisita nina Dingdong at Marian ang 200 na fans mula sa pitong magkakaibang fansclub ng dalawa. Naroon din ang 3 best men, 20 pares ng principal sponsors, 3 pares ng secondary sponsors, 11 bearers, 8 flower girls, at 3 maids of honor at ilan pa sa mga kaanak, pamilya, at kaibigan ng mag-asawa.

LINK: https://twitter.com/gmanetwork/status/549857932305633280
 
Kabilang sa mga wedding sponsor sa kasal ay sina Atty. Felipe L. Gozon,  Gilberto R. Duavit Jr.,  Vic Sotto, German Moreno, Ogie Alcasid, Ben Chan, Antonio Tuviera, Wilson Tieng, Randy Ortiz, Perry Lansigan, Sharon Cuneta, Joyce Bernal, Regine Velasquez, Lolit Solis,  Wilma Galvante, Dra. Vicky Belo, Helen Gambao-Sotto,  Kris Aquino, Vilma Santos, Celia Rodriguez, Lily Monteverde at marami pang iba.


 

@dongdantes and @therealmarian kiss as husband and wife for the first time. #DongYanFinallyHome
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A photo posted by gmanetwork (@gmanetwork) on



























Maid of Honor naman sina Roxanne Barcelo, Ana Feleo at Joy Gonzales, habang Best Men sina Jose Angelo Dantes, Paul Harvey Camposano, at Mario Vincent Lanuza.
 
Secondary sponsors sina Richard Gomez at Rep. Lucy Gomez (candle); Gabby Eigenmaan at Ai Ai delas Alas (veil) at KC Concepcion at Sen Paolo Benigno Aquino IV (cord).

 

The journey to forever begins with @dongdantes and @therealmarian Photo courtesy of @markednicdao
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A photo posted by gmanetwork (@gmanetwork) on





































Kasama rin ang child star na si Ryzza Mae Dizon sa flower girls.
 
Dumalo rin sa kasal bilang Witness of Honor si Pangulong Benigno Aquino III.




Nasaksihan din ng fans ang kasal na maagang nag-abang sa simbahan. Binigyan ng lugar ang fans sa labas ng simbahan na mayroong wide screen upang mapanood ang seremonya.

Ang puwesto rin nila ay inilagay sa lugar na dadaanan ng mga personalidad na dadalo sa kasal kaya naman nakita nila ang mga papasok sa simbahan kabilang na sina Dingdong at Marian.

 

Mr. & Mrs. Dantes with their Witness of Honor His Excellency Pres. Benigno S. Aquino III #DongYanFinallyHome
 
 
 
 
 
 
 
 

A photo posted by gmanetwork (@gmanetwork) on



















Napag-alaman naman na naging bahagi ng pagmamahalan nina Dingdong at Marian ang naturang motorsiklo dahil dito isinakay ng aktor ang aktres sa una nilang date patungong Tagaytay.

Ayon pa kay Dingdong, sinunod din nila ang pamahiin na hindi na muna magkita bago ang kasal kaya na-miss niya si Marian.

 

Earlier, President Benigno Aquino III awaits the entrance of the entourage #JourneytoDDay #DongYanTheWeddingDay
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A photo posted by gmanetwork (@gmanetwork) on






















Unang nagtambal bilang love team sina Marian at Dingdong sa primetime series na Mari Mar noong 2007, pero  sinasabing lumalim ang kanilang pagtitinginan nang gawin ang seryeng Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang noong 2009.. — Bianca Rose Dabu/FRJ/JST, GMA News