Filtered By: Showbiz
Showbiz

Bakit magiging 'malamig' ang Pasko ni Solenn?




May halong lungkot daw ang magiging Christmas ngayong taon ng Kapuso television host at actress na si Solenn Heussaff.

Sa "ulat ni Lhar Santiago sa "Starbites" ng Balitanghali nitong Biyernes, sinabing hindi raw makakasama ni Solenn ngayong Pasko ang kaniyang Argentinian boyfriend na si Nico Bolizo.

Sa Argentina magdiriwang ng Pasko si Nico, habang nasa Japan naman si Solenn kasama ang kaniyang pamilya.

“Since may anak na yung kapatid ko, buong family sa Japan for Christmas, one week lang sa snow,” anang Kapuso star.
 
Tila nagkaroon din ng pagbabago sa mga plano sa buhay ni Solenn sa 2015.

"'Di ba sabi ko rin after nung first contract, ayaw ko na mag-showbiz. Pero parang yung three  years sobrang bilis, so ngayon tingnan lang natin kung anong mangyayari," sambit niya.

Nais din ni Solenn na paghusayin ang kaniyang pananalita ng Filipino para mapagtuunan daw niya ang pagho-host. Gayunman, open pa rin naman daw siya sa paggawa ng soap. -- FRJ, GMA News