Inaasahan na ng aktres na si Ara Mina ang kanyang panganganak bago mag-Pasko. Ito ang kanyang panganay na anak sa long-time partner at Bulacan Mayor na si Patrick Meneses.
Masayang mom-to-be ang aktres, lalo na at naging mas maganda ang kinalabasan ng kanyang pangalawang pagbubuntis. Matatandaang nauwi sa miscarriage ang unang pagbubuntis ni Ara Mina.
Ayon pa sa kanya sa mga naunang pahayag, hindi siya masyadong nahirapan sa pagkakataong ito kaya naman itinuring na niyang maagang Pamasko ang kanyang panganay noong Abril pa lamang, kung kailan niya nalaman na ipinagbubuntis niya ito.
Ibinahagi ng aktres ang ilang larawan ng kanyang pagbubuntis ngayong buwan na inaasahan niya ang pagdating ng kanilang baby girl sa buhay nilang magkasintahan.
— Bianca Rose Dabu/JST, GMA News