Filtered By: Showbiz
Showbiz
Mark Herras throws grand celebration for daughter's first birthday
Ipinagdiwang ng panganay na anak ni Mark Herras ang kanyang first birthday nitong November 9 sa isang events place sa Quezon City.
Punong abala si Mark sa enggrandeng birthday ng anak na si Ada Sofia Nicolette, na dinaluhan ng mga kaibigan mula sa loob at labas ng showbiz.
Ayon kay Mark, kakaiba raw ang pakiramdam na makita ang sarili mong anak sa kanyang 1st birthday.
A photo posted by Bobbybong Marley (@marktheherras) on
“Iba yung pakiramdam. Na-overwhelm ako. Hindi naman ako masyadong naging emotional pero alam mo yung parang deep inside gusto mong umiyak. Dait umaattend ako ng first birthday ng mga inaanak ko. Ngayon, akin 'to. Kay Ada lahat 'to. I'm so happy.”
Naroon din ang mga kapwa-Starstruck Balumni ni Mark na mayroon na ring kani-kanilang babies.
Kasama ni Yasmien Kurdi ang baby girl niyang si Ayesha, habang kasama naman ni Charice Solomon si Baby Apollo. Naroon din sina Katrina Halili at Kris Lawrence kasama ang 2-year-old na si Katrence.
Malaki na nga daw ang ipinagbago ni Mark buhat ng ipanganak si Ada. Pursigido siyang mag-trabaho para sa kinabukasan ng anak.
Hindi naman nag-aalangan si Mark sa pagganap sa daring roles, kagaya na lamang ng upcoming movie niya na Cain at Abel kung saan sasabak sa Mark sa ilang sexy scenes.
“Ako naman, I want Ada to be proud. Hindi pa man niya maaappreciate ngayon, pero kahit ano pa sigurong magawa kong projects in the future, alam ko namn na maggiing proud sa akin si Ada,” aniya.
Isang pangamba lang daw ng aktor ang panahong makahap siya ng makakasama sa buhay.
Paliwanag niya, “Kung sakaling may ligawan ako in the future, dapat tanggap niya si Ada ng buong-buo. Kasi kung hindi niya kayang tanggapin, hindi pwede.” — Bianca Rise Dabu/JST, GMA News
Tags: markherras
More Videos
Most Popular