Filtered By: Showbiz
Showbiz
PNoy ‘blocked off’ December 30 for DongYan wedding, says Kris
By BIANCA ROSE DABU, GMA News
Kumpirmado na ngang dadalo si Presidente Benigno Aquino III sa Kapuso Royal Wedding nina Marian Rivera at Dingdong Dantes sa darating na December 30.
Ito ay ayon sa Instagram post ng kapatid ng Pangulo na si Kris Aquino, matapos niya umanong iabot sa Presidente ang invitation mula sa magkasintahan.
Ani Kris nitong Lunes, “From yesterday, my future inaanaks @dongdantes & @therealmarian, gave PNoy your invitation & I heard him give instructions to block off Dec 30, 2014 for both of you.”
Noong nakaraang Biyernes naman, binisita nina Marian at Dingdong si Kris sa shooting ng kanyang pelikula para sa taunang Metro Manila Film Festival upang pormal na imbitahin bilang isa sa principals sponsors ng kanilang kasal.
““SUPER TOUCHED because of their personal effort to come to my FENG SHUI set to invite me to be their Ninang! Thank You @dongdantes & @therealmarian! See you December 30, 2014,” ayon kay Kris.
Matatandaang malapit ang magkasintahan sa mga Aquino dahil bukod sa kilalang tagasuporta ng administrasyong Aquino si Dingdong, na itinalagang commissioner-at-large ng National Youth Commission, nakatrabaho na rin ng dalawa si Kris sa iba't ibang pelikula at programa kabilang ang Segunda Mano noong 2011.
Nag-guest na rin si Marian sa morning talk show ng TV host upang i-promote ang pelikula nila ni Ai-Ai de las Alas na Kung Fu Divas noong September 2013. — RSJ, GMA News
More Videos
Most Popular