Filtered By: Showbiz
Showbiz
Kapatid ni Solenn Heussaff, nagustuhan ng isang kapre?
Ipinanganak man at lumaki sa Pilipinas, hati ang paniniwala ng Filipino-French actress na si Solenn Heussaff pagdating sa usaping multo at mga kakaibang elemento, kagaya ng nanay niya na tubong Paete, Laguna at ng kanyang ama na isang French.
“Naniniwala ako na may something but I don't think they interfere with us. Pero feeling ko we're not the only ones on the planet,” ayon kay Solenn.
Gayunpaman, hindi ito naging hadlang upang makaranas ang aktres ng nakakakikilabot na mga karanasan.
Bata pa lamang ay mahilig nang mag-drawing at mag-pinta si Solenn. Ngunit kakaiba umano ang mga nakahiligan niyang iguhit noong bata pa siya-- mga anyong tila hinugot sa mga pelikulang kababalaghan.
“Nung mga drawing ko nung mga 12 years old ako, laging mga tao na walang mukha, or mga tao na kita yung ribs. I don't know why. Even my mom said, 'Baka may problem yung anak ko.' She wanted me to see a doctor kasi sabi niya, 'Ang dark, dark naman ng drawings na anak ko.'”
Sa isang beach sa Biarritz, South France naman personal na nakaranas si Solenn ng katakot-takot na pangyayari.
“We were just walking towards the beach, mga midday ito. Tapos na-feel ko na parang someone grabbed me from behind. Super hard. It pulled me back. So I just turned around and said, 'What the--'”
Hindi man muling nasundan, naging maingat na si Solenn, lalo na kapag nasa bahay ng kanyang pamilya dito sa Pilipinas. Aniya, nakakaramdam pa rin siya ng tila may nagmamasid sa kanya, ngunit kinakausap niya lamang ito. “If I feel na someone's watching me, I just say na 'Please don't bother me,'” ani Solenn.
Nagmamasid sa bahay
Bukod sa kanya, nakakaramdam din ng ganito ang kapatid na babae ni Solenn. Hanggang ngayon, pakiramdam niya ay mayroon pa ring nagmamasid sa kanyang kwarto tuwing naroon siya sa bahay ng kanilang ina.
Nang matulog naman sa kwartong iyon ang kanilang ina, nakaramdam naman ito ng nilalang na humahaplos sa kanyang buhok.
Hindi nila malaman-laman kung ano ang elementong ito, hanggang sa napuna ng masahista ng ina ni Solenn ito.
“'Yung masseuse ng mom ko, sabi niya parang may someone there who has a crush on my sister.”
Hindi nagtagal, nakita mismo ng kanilang kasambahay ang elementong ito, na isa umanong kapre. Simula noon, tila nawala na sa sarili ang kasambahay nina Solenn.
Kwento ng aktres, “She ended up daw sa Makati Hospital basement kasi nabaliw siya kasi she saw the kapre. And then she cut daw her finger. So we cut down the mango tree sa likod ng bahay.” — Bianca Rose Dabu/JST, GMA News
Tags: solennheussaff
More Videos
Most Popular