Filtered By: Showbiz
Showbiz

Iya Villania, balik-Kapuso na


Muling nagbabalik ang "Click" idol na si Iya Villania sa GMA Network nitong Miyerkules, matapos ang contract signing kasama ang big bosses ng istasyon.
 
Kahit na nanatiling Kapuso artist ang asawa niyang si Drew Arellano, hindi naman daw naging malaking bahagi ito sa pagdedesisyon niyang bumalik sa GMA.
 
Ayon kay Iya, “I wouldn't say he's a huge part as to why I've decided to come back. But of course, he knew all about this. When we were negotiating and when I was coming to terms with coming back here, siya talaga yung kausap ko. For him being the reason why I transferred, no.”
 
Excited na umanong sumabak si Iya sa iba't ibang projects na ihahain sa kanya ng Kapuso network. Aniya, nais niyang ipagpatuloy ang pagho-host, pagkanta at pagsayaw. Gusto niya rin daw na magkaroon ng mga programang comedy.
 
“It's gonna be a huge change, but I guess change is the only permanent thing in this world. And it's always nice to make new friends. That's what I'm looking forward to.”
 
Mapapanood na si Iya sa Sunday All Stars sa darating na Linggo. Bukod pa rito, may inihahanda rin daw na drama series para sa aktres. — JST, GMA News
Tags: iyavillania