Filtered By: Showbiz
Showbiz

WATCH: Paolo Ballesteros featured on E! News, Japanese newscast


Hindi na talaga maawat ang international recognition sa talent ni Paole Ballesteros sa makeup transformation. Ngayon naman, sa sikat na Hollywood showbiz program na E! News! at sa isang Japanese news channel na-feature ang ginagawang panggagaya ng Eat Bulaga! dabarkads sa mga sikat na local at international celebrity.

 

"His skill in makeup rush is definitely impressive," saad sa E! News! na naglarawan kay Paolo na isang Filipino tv host.

Kasabay nito, inimbitahan ng programa ang kanilang mga manonood na bisitahin ang Instagram account ni Paolo para makita ang iba pa niyang ginaya.



(video uploaded by VIRAL PINOY)

Samantala, matapos ipakita at pag-usapan ng mga anchor sa Japanese news program ang mga ginaya ni Paolo, nag-interview din sila ng isang sikat na gumagaya sa kanilang mga celebrity sa Japan para pag-usapan ang husay ni Paolo. -- FRJ, GMA News