Filtered by: Showbiz
Showbiz

Komedyanteng si Tiya Pusit, inihatid na sa kaniyang huling hantungan


Nailibing na ang batikang komedyante na si Tiya Pusit sa Holy Cross Memorial Park sa Novaliches, Quezon City nitong Miyerkules matapos bawian ng buhay dahil sa multiple organ failures noong Huwebes.

Nakipaglibing ang mga kaanak, kaibigan, at mga nakatrabaho ng aktres.
 
Nagpasalamat naman ang kapatid nito na si Nova Villa sa mga nakiramay sa kanila.

Naniniwala umano si Nova na malaki ang naging impluwensya ng kaniyang kapatid sa maraming tao.



"Hindi siya umalis sa ating mga puso. Nanatiling siyang buhay sapagkat sa tagal din niya sa showbiz, I think 30 [years] plus, dito natin nakita kung ano po ang misyon na ibinigay ng Panginoon sa kaniya," ayon kay Nova na isa ring aktres.
 
Ikinatuwa rin niya ang idinaos na tribute concert for a cause para kay Tiya Pusit na idinaos sa isang comedy bar sa Quezon City nitong Linggo.
 
Napabilang sa napakaraming pelikula si Tiya Pusit kagaya ng Pakners, Once Upon a Time in Manila, at Good Morning Teacher.  At mga programa sa telebisyon, kabilang ang One True Love, Beh Bote Nga, at Bahay Mo Ba 'To. -- Bianca Rose Dabu/FRJ, GMA News
 

 

Tags: tiyapusit
More Videos