Filtered By: Showbiz
Showbiz

Mary Christine files concubinage case vs Derek Ramsay, Angelica Panganiban


Nagsampa ng concubinage complaint si Mary Christine Jolly laban sa asawang si Derek Ramsay at aktres na si Angelica Panganiban nitong Miyerkules sa Parañaque City Hall, ayon sa report ni Nelson Canlas.
 
Ayon kay Jolly, gagamitin niyang ebidensya ang isang artikulo mula sa Star Studio magazine noong April 2013, kung saan inamin umano ni Panganiba na nagli-live in sila ng aktor sa Parañaque sa loob ng limang taon.

Nitong September 25, inihain ni Jolly ang kanyang sworn reply-affidavit sa Makati Prosecutor’s Office kaugnay pa rin sa reklamong paglabag umano ni Derek sa Republic Act 9262 o Violence Against Women and Their Children Act na isinampa naman niya laban sa aktor noong Hunyo. — Bianca Rose Dabu/JST, GMA News