Filtered By: Showbiz
Showbiz

Celebs, netizens mourn death of veteran comedienne Tiya Pusit


Sa pagpanaw ng komedyanteng si Tiya Pusit nitong Huwebes ng gabi, bumuhos sa social media ang pakikiramay ng ilang celebrities at netizens. Nagpasalamat din ang ilan sa kanila sa magagandang alaala at mga ngiting idinulot niya sa publiko sa pamamagitan ng kaniyang mga pelikula at programa sa telebisyon.  

Ayon sa anak ni Tiya Pusit na si Christian, dakong 11:30 p.m. nitong Huwebes nang bawian ng buhay ang ina na nakaratay sa Philippine Heart Center, kung saan siya inoperahan sa puso.
Si Tiya Pusit, o Myrna Villanueva sa tunay na buhay, ay pumanaw sa edad na 66. (Basahin: Comedienne Tiya Pusit passes away)



-- FRJ, GMA News
Tags: tiyapusit