Filtered By: Showbiz
Showbiz

Dream.Believe.Survive: Mga nais sumali sa 'Starstruck,' dumagsa sa GMA Network


Daan-daang teenagers ang dumagsa sa GMA Network Center sa Quezon City nitong Sabado para makakuha ng application form upang makasali sa pagbabalik ng reality show na "Starstruck."

Sa ulat ng GMA news "24 Oras," sinabi ng mga kabataan na pumili para makakuha ng application form na natutuwa sila na ibinalik ng Kapuso Network ang naturang pinakasikat na reality artista search sa Philippine television.

Basahin: Payo ni Enzo sa mga nais mag-artista, 'wag isuko ang pangarap

Basahin: Dream. Believe. Survive: 'Starstruck,' magbabalik na sa GMA

Pumila man at nabigo ang ilan sa kanila sa mga naunang season ng "Starstruck," gusto pa rin nilang subukan ang kanilang kapalaran ngayon.



Ang ilan sa mga natanong, nagsabing nais nilang maipakita sa publiko ang kanilang talent, sumikat at makatulong sa kanilang pamilya.

Mayroon din naman nagsabi na nais nilang mabigyan ng pagkakataon ang sarili na patunayan na kaya rin nila ang nagagawa ng iba.

Ilan sa mga kilalang naging produkto ng "Starstruck" ay sina Mark Herras, Jennylyn Mercado, Kris Bernal, Aljur Abrenica, Rocco Nacino, LJ Reyes, Katrina Halili, Paulo Avelino, Cristine Reyes, at Megan Young. -- FRJimenez, GMA News

Tags: starstruck