Filtered By: Showbiz
Showbiz

'Jukebox' Queens, magsama-sama sa isang concert


Magsasama sa isang concert sa Pilipinas sa unang pagkakataon ang mga dating magkakaribal na "Jukebox Queens" na nasa likod ng mga walang kamatayang awitin na "Sayang," Tukso," at "Isang Linggong Pag-ibig."

Sa "Chika Minute" report ni Lhar Santiago para sa GMA news "24 Oras" nitong Martes, todo ensayo sa kanilang pagbirit sina Imelda Papin, Eva Eugenio at Claire dela Fuente para sa kanilang pagtatanghal sa Midas Hotel sa Miyerkules.



Naging mainit ang rivalry ng tatlo sa panahon ng kanilang kasikatan noong dekada 80. At ngayon lang sila magsasama- sama para sa isang concert sa Pilipinas.

"Sabi ko kailan ba talaga natin gagawin yung tayong tatlo [sa concert]. Kasi ang point ko, I think it's not about the money it's about yung fans namin," paliwanag ni Claire.

Kabilang sa mga awiting na kanilang pinasikat at bahagi na ng walang kamatayan OPM songs ay ang "Sayang" ni Claire, "Tukso" ni Eva, at "Isang Linggong Pag-ibig," ni Imelda. -- FRJ, GMA News