ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
WATCH: Mother Lily Monteverde at veteran showbiz writer Alfie Lorenzo, nagsigawan
Nabalot ng tensiyon ang presscon ng pelikulang "Somebody To Love" nang magsigawan ang Regal Films matriarch na si Lily Monteverde at ang beteranong entertainment writer at talent manager na si Alfie Lorenzo.
Sa ulat ng GMA showbiz talkshow na "Startalk" nitong Sabado, ipinakita ang video footage na kuha ni Ernie Reyes sa nangyaring sigawan na nasaksihan mismo ng mga host na sina Lolit Solis at Rickly Lo.
Ayon sa dalawang host, hindi nila inakalang magiging matagal at inabot ng ilang minuto ang sigawan ng dalawang kinikilalang bahagi ng showbiz industry.
Naganap ang insidente noong Huwebes, August 14, sa Imperial Palace Suites sa Quezon City, na pag-aari mismo ni Monteverde.
IFrame
Nag-ugat daw ang sigawan nang punahin at tawagin daw ni Alfie na malas ang kinuhang direktor sa pelikula na si Joey Javier Reyes.
Natapos lang ang sigawan nang dumating ang security personnel ng hotel at sinamahan palabas si Alfie.
Nangyari ang insidente sa presscon at birthday celebration din ng film producer.
Sa kabila ng insidente, naniniwala si Manay Lolit na magkakasundo pa rin ang dalawa dahil kilalang malabot umano ang puso at mapagpatawad si Mother Lily. Pero kailangan daw magpakumbaba at humingi ng paumanhin si Alfie sa nangyari. -- FRJimenez, GMA News
More Videos
Most Popular