Filtered By: Showbiz
Showbiz

Shay Mitchell ng ‘Pretty Little Liars,’ may dugong Pinoy


May dugong Pinoy pala ang "Pretty Little Liars" star na si Shay Mitchell, at pinsan niya ang isang sikat na Pinay singer.

Sa "Chika Minute" ng GMA news "24 Oras" nitong Martes, sinabi ni Shay na Pilipina ang kaniyang ina at second cousin niya ang original Kim ng "Miss Saigon" na si Lea Salonga.



Bukod sa kanyang role bilang Emily Fields sa "Pretty Little Liars," itinanghal din si Shay bilang "Sexiest Woman Alive" ng Esquire Philippines ngayong buwan.

Ayon sa aktres, maging si Lea ay nasorpresa raw noon nang malamang bibida siya sa "Pretty Little Liars."

Very supportive naman daw sa kaniya si Lea.

Kasabay ng pagbati niya sa kaniyang Pinoy fans, inihayag ni Shay ang pananabik na makabalik sa bansa. -- FRJ/KG, GMA News