Filtered By: Showbiz
Showbiz
Dingdong Dantes, itinalagang commissioner-at-large ng National Youth Commission
Itinalaga ni Pangulong Benigno Aquino III ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes bilang commissioner-at- large ng National Youth Commission.
Sa ulat ng GMA news "24 Oras" nitong Miyerkules, sinabing tatlong taon ang magiging termino ni Dingdong, o Jose Sixto Dantes III sa tunay na buhay.
Masaya raw si Dingdong nang mabalitaan ang kanyang appointment.
Bukod sa aktor, tinalaga rin si Gregorio Ramon Tingson bilang chairman ng NYC.
May mga bago ring commissioner na itinalaga na kakatawan para sa Luzon, Visayas, at Mindanao.
Kilalang aktibo si Dingdong sa mga proyekto at advocacy para sa kabataang Pinoy, gaya ng pagiging ambassador for youth ng National Commission for Culture and the Arts o NCCA. -- FRJ, GMA News
Tags: dingdongdantes
More Videos
Most Popular