Filtered By: Showbiz
Showbiz

Tessie Tomas, nais maging inspirasyon sa mga inang may anak na homosexual


Nagsalita na ang Kapuso actress na si Tessie Tomas tungkol sa pagpapakasal ng anak niyang lalaki sa long time boyfriend nito sa Amerika.

Nagpakasal noong nakaraang Disyembre sa Amerika ang New-York based fashion designer na si Robin Tomas sa boyfriend nito na isang corporate lawyer.

Ang desisyon ng anak ay buong pusong tinanggap ng batikang aktres, ayon sa ulat ni Cata Tibayan sa "Chika Minute" ng GMA news 24 Oras Weekend nitong Sabado.



Dahil hindi nakadalo sa kasal sa Amerika, nag-organisa si Tessie ng isang family reception para sa newlyweds nitong January 8 dito sa Pilipinas.

Ayon pa kay Tessie, nais niyang maging inspirasyon sa mga ina na mayroon ding anak na homosexual.

"Tanggapin natin 'wag natin silang ikahiya... kasi kapag tinanggap natin sila't sinuportahan, lalo silang magiging successful," payo ng aktres. -- FRJ, GMA News