Filtered By: Showbiz
Showbiz

'Unang Hirit' hosts hold auction for 'Yolanda' victims



Upang makatulong sa mga sinalanta ng bagyong "Yolanda," magsasagawa ang auction ang mga host ng GMA morning program na "Unang Hirit" kung saan ipasusubasta ang kanilang mga designer clothes, shoes, bags at iba pang items upang makalikom ng pondo na idodonate sa GMA Kapuso Foundation.
 
Manood ng "Unang Hirit" upang malaman kung ano ang mga produkto na ipasusubasta at magkano ang starting price nito.  Ilan sa mga gamit na ito ay pag-aari nina Arnold Clavio, Rhea Santos, Connie Sison, Ivan Mayrina, Suzi Entrata-Abrera, Lyn Ching, Pia Arcangel, Luane Dy, Atty. Gaby Concepcion, Olen Juarez-Lim, Monica Verallo at Lhar Santiago.
 
Upang makasali sa subasta, i-'like' lang ang Unang Hirit’s Facebook page at ilagay sa comment section ng produktong isinusubasta ang inyong bid o magkano ang halagang alok sa produkto.

Isasara ang bidding pagsapit ng 6 p.m.
 
Ang may pinakamataas na bid ang magwawagi sa produkto at kokontakin sa pamamagitan ng personal message kung papaano makukuha ang item.  Sa susunod na araw, may panibagong item na ipasusubasta.
 
Magtatagal ang Unang Hirit’s Online Auction for Yolanda victims hanggang sa Biyernes, November 22.
 
Napapanood ang "Unang Hirit" mula Lunes hanggang Biyernes sa ganap na 5:00 a.m. -- FRJ, GMA news
Tags: yolandaaid