Filtered By: Showbiz
Showbiz

Francine 'Kim Chiu' Garcia, gustong maging sikat na transsexual sa showbiz


Matapos aminin na sumailalim na siya sa sex reassignment surgery, inihayag naman ni "Super Sireyna Queen of Queens" Francine 'Kim Chiu' Garcia, na nais niyang pasukin ang showbiz. Sa panayam sa kanya na lumabas sa Startalk TX nitong Sabado, sinabi ni Francine na two years ago nang sumailalim siya sa surgery upang maging ganap na ang kanyang pagiging babae. Basahin: Pagbawi sa titulo ni 'Kim Chiu' bilang Super Sireyna Queen of Queens, 'di totoo "Yes I'm already a transsexual," pahayag ni Francine na itinanghal na Super Sireyna Queen of Queens ng Eat Bulaga noong nakaraang linggo. "Para ma-fulfil  na rin yung dreams mo na maging girl, mas maaliwas yung buhay," dagdag niya. Tulad ng iba, pangarap din umano ni Francine na makapasok sa showbiz. "Siyempre di ba marami namang gay sa showbiz, but sino ba ang transsexual na nasa limelight? So I want to be the first," pahayag niya.   Tungkol sa kanyang lovelife, inamin ni Francine na mayroon na siyang special someone ngayon bagaman marami pa rin naman daw ang nanliligaw. -- FRJimenez, GMA News