ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

GMA sets special programming for the Holy Week


Sa paggunita ng Semana Santa, naghanda ang GMA-7 ng special Lenten programming schedule para sa Maundy Thursday (March 28), Good Friday (March 29), at Black Saturday (March 30).   Magsisimula ang Huwebes Santo sa all-time favorite cartoon series na Dragon Ball Z Kai sa ganap na 8:00 am, na susundan ng CBN Asia's Superbook pagsapit ng 8:30am. Back-to-back naman ang Pokemon movies (Lucario and The Mystery of Mew, at Pokemon Ranger and The Temple of the Sea) pasapit ng  9:00am na susundan ng The 8th Word (Shepherd's Voice) sa ganap na 11:00am.   Mapapanood naman pagsapit ng 12:00 noon ang GMA Films' romantic-comedy flick na My Kontrabida Girl, na pinagbibidahan nina Rhian Ramos at Aljur Abrenica. Susundan naman ito ng GMA News TV's first original series na Bayan Ko, na magsisimula ng 1:30pm hanggang 4:00pm. Mapapanood naman ang Wish Ko Lang! ni Vicky Morales pagsapit ng 4:00pm, na susundan pagsapit ng 5:00pm ng fifth installment ng CBN Asia's Tanikala na pinangungunahan ng Kapuso stars na si Ryza Cenon, Mike Tan, Diva Montelaba, at Frencheska Farr.                  Sa gabi, mapapanood ang Summer Special ng Kapuso Mo, Jessica Soho sa ganap 6:30p.m., at balikan ang unang linggo ng bagong primetime drama series ng Mundo Mo'y Akin na magsisimula ng 7:30pm hanggang 11:00pm, at susundan ng topnotch documentary program ng GMA-7 na I-Witness.   Sa Good Friday, panoorin ang Dragon Ball Z Kai sa ganap na 8:00am, na susundan ng Superbook pagsapit ng 8:30am, at Pokemon Theater Presents (The Rise of Darkrai and Giratina at The Sky Warrior) mula 9:00am hanggang 11:00am.   Alamin naman ang mga tradisyunal na paggunita ng Holy Week sa Power to Unite, a religious program hosted by Ms. Elvira Yap-Go, sa ganap na 11:00am. Balikan ang seven last words of Jesus Christ sa Siete Palabras pagsapit ng 12:00 noon.   Pagsapit ng 3:00p.m. panoorin ang highly-commended environmental documentary program na Born To Be Wild, na susundan ng Wish Ko Lang ni Vicky Morales sa ganap na 4:00pm, at ang Ama Namin, na bahagi ng CBN Asia's Tanikala sa ganap na 5:00pm.   Samahan naman si Jessica Soho sa Kapuso Mo, Jessica Soho, pagsapit ng 6:30pm, at susundan ng highlights ng epic-fantasy series na Indio, na pinagbibidahan ni Sen. Bong Revilla magmula 7:30pm hanggang 11:00pm. Pagkatapos ng Indio, panoorin ang documentary ni Kara David sa I-Witness tungkol sa mapaminsalang lindol na tumama sa Japan. Mapapanood naman sa Black Saturday ang Dragon Ball Z Kai sa ganap na 8:00am, na susundan CBN Asia's Superbook (8:30am), at Pokemon Movie: Arceus and The Jewel of Life at Doraemon Movie: The New Record of Nobita's Spaceblazer (9:00am).   Back-to-back-to-back naman simula 11:00am ang GMA Films at Regal Entertainment na romantic-comedy movies My Valentine Girls starring Richard Gutierrez, Rhian Ramos, Solenn Heussaff, at Lovi Poe; ang Super Inday and the Golden Bibe, ni Marian Rivera; at ang My Bestfriend's Girlfriend nina Richard at Marian.   Pagsapit ng 3:00pm, mapapanood ang environmental program na Born Impact, Born To Be Wild's weekend edition, at susundan ng Wish Ko Lang! (4:00pm).   Mapapanood ang true to life story ng Asia's Diva Dulce sa Tanikala 5 (Tinig) pagsapit ng 5:00pm. Alamin ang kwento ng dating child star Jiro Manio at ng binansagang "Lola Diva" sa Kapuso Mo, Jessica Soho (6:30pm).   Pagsapit ng 7:30p.m., panoorin ang handog ng APT Entertainment na special Holy Week presentation na, Perpetua na pinangungunahan nina Ms. Susan Roces at Ms. Boots Anson-Roa, kasama sina Lito Legaspi, Jan Marini, Gerard Pizarras, Isay Alvarez, Robert Seña, Joyce Ching, Lucho Ayala, at ang child star na si Ryzza Mae Dizon. Balikan naman ang mga nakaraang highlights sa epicserye na Indio sa ganap na 9:30pm, at ang Reporter's Notebook's special election series Sektor: Mga Bata tackles pagsapit ng 11:30p.m. Pagsapit ng 12:00 midnight, mapapanood sa pamamagitan ng streaming si Pope Francis na pangungunahan ang Way of The Cross sa Rome. - FRJ, GMA News