Filtered By: Showbiz
Showbiz

Anak nina Boyet de Leon at Sandy Andolong, kandidata sa Binibining Pilipinas


Kabilang ang anak nina Christopher de Leon at Sandy Andolong na si Mariel de Leon sa mga official candidate ng Binibining Pilipinas ngayon taon. Sa ulat ng Star Bites ng Balitanghali nitong Biyernes, sinabi ni Mariel na lubos ang natatanggap niyang suporta mula sa kanyang mga magulang sa paglahok niya sa prestihiyong beauty pageant. Bagaman nasa larangan ng showbiz ang kanyang mga magulang, nais naman ni Mariel na makilala siya sa bilang modelo at beauty queen. Target daw ni Mariel na masukit ang korona para sa Binibining Pilipinas Universe. - FRJ, GMA News