Filtered by: Showbiz
Showbiz

Pinoy celebrities nakisaya sa Jennifer Lopez Dance Again concert


Ilang Pinoy celebrities at kilalang mga personalidad ang nakisaya sa "Dance Again" World Tour ng sikat na international superstar na si Jennifer Lopez sa Mall of Asia Arena sa Pasay City noong Lunes.  
 
Unang pagkakataon na nagtanghal ang Latina superstar sa Pilipinas kaya naman hindi ito pinalampas ng ilang kilalang personalidad, artista, at mga politiko.
 
Ayon sa ulat ni Cata Tibayan sa "Saksi" nitong Lunes, in-style na dumalo ang magbarkadang sina Anne Curtis, Isabelle Daza, at Georgina Wilson na kasama ang kasintahan niyang si Borgy Manotoc.
 
Hindi rin pinalampas ng Magdalena star na si Bela Padilla, Kapuso host Joey de Leon, Aljur Abrenica at Kylie Padilla ang concert ni J.Lo.
 
Present din sa concert ang aktres na si Cristine Reyes, socialite na si Tessa Prieto Valdez, magkasintahang Divine Lee at Victor Basa, at si Daiana Menezes kasama ang fiance na si Congressman Benjo Benaldo.
 
Nandoon din ang ilang pulitiko tulad nina Senador Allan Cayetano, Pia Cayetano, at Manny Villar.
Philippine All Stars
G Force
Bella Padilla
Sen. Miriam Defensor Santiago
Sen. Manny Villar
Daiana Menezes at Cagayan de Oro Representative Benjo Benaldo
Sens. Allan Cayetano at Pia Cayetano
Kris Bernal
Aljur Abrenica at Kylie Padillaa
Georgina Wilson at Borgy Manotoc
- Mga litrato ni Roehl Niño Bautista, artikulo ni Mac Macapendeg/VVP,FRJ GMA News
More Videos