ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

KC Concepcion, happy raw sa kinalabasan ng kanyang sexy photoshoot


Aminado ang ‘mega daughter’ na si KC Concepcion na kinabahan siya sa ginawa niyang sexy pictorial para sa isang magazine, pero happy naman daw siya sa kinalabasan nito. Kabilang si KC (kasama ang haft-sister na si Cloie Syquia-Skarne) sa mga sikat na personalidad na dumalo sa star-studded birthday celebration ni Tim Yap. Sa ulat ni showbiz reporter Cata Tibayan, sinabing nananatiling positive ang pananaw ni KC this year sakabila ng mga pinagdaanan niya last year. “Tuloy-tuloy lang naman ang buhay ‘di ba? In every mistakes naman you change hopefully for the better, you just try to be the best," pahayag niya sa Chika Minute ng GMA News 24 Oras nitong Miyerkules. Bukod sa mga sexy at daring photos niya sa magazine, ibang KC umano ang mababasa sa kanyang feature story. Inspired daw lagi si KC at masaya siya na after 15 years ay nagkasama muli sila ng kanyang kapatid sa ama na si Cloie. Kahit nga daw ang kanyang mommy na si Mega Star Sharon Cuneta ay excited sa pagdating sa bansa ni Cloie. “Excited siya, sumisigaw siya sa phone hindi siya mapakali," kwento ni KC tungkol sa kanyang mommy na si Sharon. Pero dahil hindi pa bihasa sa pagsasalita ng wikang Filipino, papasukin daw muna ni Cloie ang modeling bago ang acting. -- FRJ, GMA News

Tags: kcconcepcion