Iza Calzado’s dad Direk Lito Calzado passes away
Pumanaw nitong tanghali ng Biyernes si Direk Lito Calzado, ama ng Kapuso actress na si Iza Calzado. Sa ulat ng GMA News TV Live, pumanaw si Direk Lito sa edad na 65 dahil sa sakit na liver cancer sa Saint Lukeâs Medical City sa Quezon City. Ang pagpanaw ni Direk Lito ay kinumpirma ni Noel Ferrer, manager ni Iza. Sa programa sa dzBB radio ni German âKuya Germs" Moreno na "Walang Siyesta," nagpaabot siya ng pakikiramay sa mga naiwan ng kanyang kaibigan na si Direk Lito. Sinabi ni Kuya Germs na masakit mang tanggapin ay makabubuti na rin na sa kabilang banda ay natapos ang paghihirap ng kaibigan sa dinaranas na karamdaman.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Nagpaabot din ng pakikiramay sa pamilya ni Iza ang mga kasamahan niya sa noontime show na Eat Bulaga. Humihingi naman ng pang-unawa ang pamilya ni Iza na bigyan muna sila ng privacy habang isinasaayos ang burol ng pumanaw ng direktor. Kamakailan lang ay pumanaw rin dahil sa sakit na liver cancer ang dating world heavyweight boxing champion na si Joe Frazier sa edad na 67. Simula ni Direk Lito Bago naging artista at direktor, unang nakilalang si Direk Lito bilang mananayaw. Sa ulat ng Philippine Entertainment Portal, sinabing noon pa man ay mahilig na sa pagsasayaw si Lito kaya sumali siya sa dance troop ng University of the East noong nag-aaral pa sa kolehiyo. Taong 1961 nang sumali siya sa Bayanihan Philippine Dance Company at sa Ballet Folkloric Filipino, na tumagal hanggang 1969. Dahil sa husay sa pagsasayaw, naatasan siyang maging dance choreographer para sa ilang pelikula mula noong late '60s hanggang '80s. Nakalista sa website na IMDb ang ilan sa mga pelikulang ito, tulad ng: Nora: Single Girl (1969), Halina Neneng Ko (1969), Young Love (1970), Leron-Leron Sinta (1971), The Sensations (1971), Mahal Mo, Mahal Ko (1978), at Stariray (1981). Naging bahagi rin siya ng Miss World Philippines 2011 bilang blocking director for TV. Bukod dito, nagpakita rin ng angking talento si Lito bilang aktor, at nakasali rin ito sa ilang pelikula. Ilan sa mga ito ay Dyesebel na bersyon ni Vilma Santos noong 1973, 7 Crazy Uragons (1974), Mana-mana Tiba-tiba (2000), at huli'y ang S2pid Luv (2002). Ikinasal si Direk Lito sa Irish-Spanish-Filipina beauty na si Mary Ann Ussher. Dito ay nagkaroon siya ng dalawang anak na sina Iza at Dash. Ang mga labi ni Direk Lito ay ibuburol sa Our Lady of Mt. Carmel Shrine sa New Manila, Quezon City, simula Biyernes ng gabi. Sa Lunes, Nobyembre 14, ay nakatakdang i-cremate ang kanyang mga labi. -- FRJimenez, GMA News